Walang permanenteng bagay o lugar dito sa mundo
Lahat tayo dumadaan sa proseso ng pagbabago
Lahat tayo may pangarap sa buhay
At sinusubukang abutin kahit ano mang tayog ng buhay.
Ang dating magkakasamang pamilya
Unti-unting nabubuwag, tila hindi masaya
Dadayo sa ibang lugar upang magtrabaho
O di kaya bubuo ng pamilya, siyang bagong mundo nila.
Tayong maiiwanan malulungkot, mangungulila
Ganito pala ang pakiramdam nila
Ng ating mga magulang kung tayo ay lilisan na
Hindi maipaliwanag ang lungkot sa puso
Wala tayong magagawa kundi masanayan ito.
Basta't alam natin buo pa rin ang masayang pamilya
Hindi nga lang magkakasama na
Hindi nga lang masaya katulad ng dati
Ang mahalaga nagkikita-kita parati.
Kung may okasyon lahat nagkakaisa
Birtdey, Pasko at reunion bumabalik ang sigla
Hindi man nasa iisang bubong, hindi naman nawala ang pagmamahal
Na pinanghahawakan ng bawat pamilya
Kahit may kanya-kanya na.