Ang dami kong nababasa at napapanuod especially about LOVE. Sabi nila, you don't have to beg for it instead it's voluntarily given or come to. However, there are circumstances where you inevitably beg for love that you are looking for. Well, hindi mo kase masasabi na hindi ka magmamakaawa sa kanya dahil sa sobra mong kamahal ang isang tao, darating talaga sa punto na yon.
Here comes my story, I was single for three or four years na I'm not sure. And yes I am longing for love. So what I did, nagsignup ako sa Facebook dating. Basically, similar siya sa Tinder like swipe right if you like him/her and swipe left if you don't. In short, naging maharot ang Lolo niyo. Aminin natin sa mga ganyang dating site Marami talaga tayong kachat it is mainly because naghahanap ka nga ng relationship, match or hookups and all. At first, hindi talaga ako seryoso or maexpect na makakahanap ako ng isang tao na mamahalin ko. Kase wala nga akong plan makipagmeet up kunbaga virtual, chat-chat lang.
One day while I was swiping there, may nagustuhan ako and then in-heart ko siya. Several days passed by at in-heart back niya ako so nag-notify sa account ko na "you have match by blah, blah, blah". So, tiningnan ko muna ang profile niya. Pagkalipas ng ilang araw naisipan ko siyang ichat ng "hi" lang. One week seguro bago niya ako nireplayan so nawalan na ako ng gana parang "ay ang boring ng chat niya". To make the story short, after several weeks nagparamdam siya sa akin at nangumusta. Tinanong niya pa ako kung bakit daw hindi na ako nagparamdam. I don't know how I feel that moment pero may tuwa sa puso.